
Masayang nagdiwang ng kaniyang 29th birthday ang dating aktres at beauty queen na si Nicole Donesa kasama ang kanilang anak ni Mark Herras na si Corky.
Sa Instagram, ibinahagi ni Nicole ang mga larawan ng kaniyang simple birthday celebration kasama si Corky at kaniyang dalawang nakababatang kapatid.
“Grateful at 29. Thank You, Lord for this special day and the life that you blessed me with Corky will always be my greatest bday gift,” caption ni Nicole.
Pero ayon sa aktres, hindi nila nakasamang mag-celebrate ang asawang si Mark dahil kasalukuyan itong nasa taping para sa bago nitong proyekto.
“We missed you itchykoy @herrasmarkangeloofficial , but I know kailangan work work muna,” ani Nicole.
Samantala, sa hiwalay na Instagram post naman idinaan ni Mark ang kaniyang pagbati sa kaniyang misis.
“Happy happy birthday itchykooooo celebrate na lang tayo pag-uwi ko ah! See you in 5 days love you itchy si corky ah,” saad ni Mark sa kaniyang birthday greeting sa asawa.
September 8, 2021 nang ikasal sina Nicole at Mark sa isang civil wedding ceremony. February naman ng parehong taon isinilang ang kanilang panganay na si Corky.
SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NINA NICOLE, MARK, AT CORKY SA GALLERY NA ITO: