
Nakakaantig ang mensahe ni Nicole Donesa para sa asawa na si Mark Herras nitong Father's Day.
Sa Instagram post ng dating aktres, ipinakita niya ang larawan ni Mark kasama ang dalawang anak nila na sina Corky at Mija.
Sabi pa nito sa caption na 'best version' ng Kapuso actor ang pagiging isang ama.
“Happy Father's Day Itchy! My favorite version of you is watching you be their Daddeh. Thank you for making our babies your everything. We love you!” post ni Nicole.
Taong 2021 nang ikasal sa isang civil wedding ceremony ang dalawa. Isinilang naman ni Nicole si Corky noong January 2021 at Hunyo naman ng nakaraang taon nang i-welcome ng Herras couple si Mija.
Samantala, may ginawang paglilinaw ang Kapuso actor sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Abril tungkol sa mga espekulasyon na hiwalay na sila ni Nicole.
Lahad ng StarStruck Ultimate Male Survivor kay Tito Boy, “Malaking factor sa amin ni Nicole 'yun eh, na buo 'yung pamilya para sa mga bata, Tito Boy. And having those kids, wala akong laban diyan. Lalo sa bunso, panganay at bunso actually. So, kung nasaan sila, andu'n ako,”
RELATED CONTENT: Celebrity dads receive heartfelt Father's Day tributes from their families
Kasalukuyang napapanood si Mark sa GMA Prime series na The Master Cutter na pinagbibidahan ng multi-awarded actor na si Dingdong Dantes.
Ginagampanan niya ang mysterious bartender na si Enzo na kumidnap kay Tonet played by Shuvee Etrata.