GMA Logo Nicole Fortuna Calix Esguerra Cianne Dominguez
Courtesy: Kristine Kang, GMANetwork.com
What's Hot

Nicole Fortuna, Calix Esguerra, Cianne Dominguez, reunited sa Kapuso ArtisTambayan

By EJ Chua
Published November 27, 2026 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robin Padilla faces DOJ investigation for obstruction of justice complaint
Ayala Triangle Gardens turns magical with 'Harry Potter'-themed holiday display
Time Flies, Family Stays: All in the Family with Dr. Tess Returns for Season 8 on GMA Pinoy TV

Article Inside Page


Showbiz News

Nicole Fortuna Calix Esguerra Cianne Dominguez


Napa-throwback ang dating PBB Collab 3.0 housemates sa mga hindi malilimutang tagpo sa Bahay Ni Kuya.

Muling nagkasama ang former Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemates na sina Nicole Fortuna, Cianne Dominguez, at Calix Esguerra.

Reunited sila sa outside world at sabay-sabay silang nag-guest sa Kapuso ArtisTambayan.

Kasama ang host-actress na si Maey Bautista, napa-throwback ang ex-housemates sa ilang unforgettable experiences nila pati na rin sa mga nakasama nila sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Napagkuwentuhan din nila ang ilang moments ni Nicole, kung saan bigla siyang sumigaw habang natutulog dahil umano sa isang panaginip.

Nagkatuwaan ang tatlong housemates tungkol dito at talaga namang napa-explain ang Sparkle star.

Napuno ng kulitan ang studio na talaga namang nagdala ng saya na umabot hanggang sa online viewers.

Game na game rin sina Nicole, Cianne, at Calix sa ilang gimik ng Kapuso ArtisTambayan.

Matatandaan na si Calix Esguerra ang kasabay ni Ethan Benares na unang lumabas sa Bahay Ni Kuya, habang sina Nicole Fortuna at Cianne Dominguez naman ang second evictees sa reality competition.

Samantala, abangan ang susunod na mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.

Mapapanood ito sa GMA at Kapuso Stream, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m., tuwing Sabado, 6:15 p.m., at 4:55 p.m. naman tuwing Linggo.

Pwede ka ring maging updated via posts sa social media accounts ng GMA Network.

Related gallery: PBB Collab 3.0 housemates' moments before entering Bahay Ni Kuya