GMA Logo nicole sonora
Source: nicoco_sxnxwa/IG
What's Hot

Nicole Sonora, hindi hiniling na magkabalikan ang mga magulang

By Kristian Eric Javier
Published March 26, 2026 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops to secure Region 7 for Holy Week
Lalaki, napahagulgol sa kanyang nakita sa kanilang salas | GMA Integrated Newsfeed
The Mister Pilipinas Worldwide delegates are handsome in their fashion shoot

Article Inside Page


Showbiz News

nicole sonora


Mas masaya raw si Nicole Sonora na makita ang mga magulang bilang indibidwal kaysa isang unit ng kanilang pamilya.

Di tulad ng ibang mga anak ng naghiwalay na mag-asawa, hindi raw naiisip ni Nicole Sonora na magkakabalikan ang mga magulang niyang sina Sheryl Cruz at Norman Bustos.

Sa pagbisita nila ng ina sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 26, binalikan ni King of Talk ang paghihiwalay ng mga magulang ni Nicole. Sa kanilang pag-uusap, naitanong ng batikang host, “Merong bahagi ng iyong pagkatao na nagwi-wish na sana [magkabalikan sila]?”

“Sana'y mabuo pa rin kami? No. Honestly, no po. Kasi po, I see po 'yung difference po in the way they both are. Basically, as individuals kaysa sa parte ng isang unit. Dati parang sapilitan, ngayon I feel like my liberation or my freedom sila sa kaniya-kaniya nilang gawain,” sabi ni Nicole.

Sa katunayan, thankful din siya sa hiwalayan na ito dahil kung hindi ito nangyari ay hindi niya makikilala ang kaniyang step mom at kahit ang mababait niyang step siblings na nagsisilbing gabay niya ngayon.

“I should say para kaming unit, isang malaking mixed family,” sabi ni Nicole.

KILALANIN ANG CELEBRITY COUPLES NA NAGKABALIKAN MATAPOS MAGHIWALAY SA GALLERY NA ITO:

Maganda naman ang relasyon ni Nicole sa kaniyang ama at sinabing mas light ang kanilang relationship ngayon.

“I can say po ngayon, 'yung relationship namin, sobra na pong grounded. Mas gusto ko po 'yun kasi wala na pong bigat. Mas grounded siya kasi he's more honest and more straightforward to the point po na in a way, para po siyang 'yung balance ko,” sabi ni Nicole.

Samantala, hindi man kaibigan ang turing ni Sheryl, civil naman umano sila ni Norman at parehong proud sa achievements ng kanilang anak. Sa ngayon, masaya lang ang puso ni ng batikang aktres para sa anak at para sa mga proyekto.

Parte rin kasi si Sheryl ngayon ng GMA Afternoon Prime musical-drama series na Born to Shine, kung saan makakasama niya ang dating ka-miyembro ng singing group na Triplets na sina Manilyn Reynes at Tina Paner.

Bukod dito, masaya rin ang aktres sa pagpasok ng anak na si Nicole sa show business, at hiling na ma-enjoy nito ang bagong journey.

Panoorin ang panayam kina Nicole at Sheryl dito: