
Matindi ang naging epekto kay Nicole Sonora nang maghiwalay ang mga magulang niyang sina Sheryl Cruz at Norman Bustos. Sa katunayan, umabot pa umano sa puntong naisip ni Nicole na siya ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 25, ibinahagi ni Nicole na iba ang sayang naramdaman niya nang makitang magkasama ang mga magulang noong magtapos siya ng kolehiyo.
“It felt po different, pero at the same time, para po siyang invigorating kasi parang nabuo ulit 'yung pamilya. And not just that, kasi meron na pong addition sa mga family namin so my mom and my titas po, they were there po sa graduation ko, my dad and my stepmom. I feel like siguro kailangan talaga mag-diverge ng paths nila for the family to be more whole,” sabi ni Nicole.
Pagbabahagi ni Sheryl, pilit naman niyang ipinaintindi sa anak hangga't makakaya niya kung bakit sila naghiwalay noon ni Norman. Ngunit pag-amin ni Nicole, hindi niya ito kaagad naintindihan.
“Honestly po, nu'ng bata ako, hindi ko po talaga siya naintindihan. Akala ko, kailangan na may taong ibe-blame. Pero hindi po 'yun realistic kasi sometimes, ngayon na mas matanda na ako, people are just different and sometimes, life takes you to different paths and that's okay. If anything, sometimes, it makes it better,” sabi ni Nicole.
Ayon pa sa up and coming actress, umabot siya sa puntong tinatanong niya ang sarili kung siya ba ang may kasalanan. Alam kasi umano ni Nicole na imposibleng ang mom o ang dad niya ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay.
“Pero ako, siguro I knew nu'ng bata pa ako na I saw myself as human. So kung silang dalawa, both of my idols, my heroes, hindi pwedeng magkamali, siguro sa akin 'yung mali,” sabi ni Nicole.
Kalaunan, napagtanto rin ni Nicole na hindi naman pala ganu'n.
KILALANIN ANG CELEBRITY FORMER COUPLES NA NANATILING MAGKAIBIGAN PARA SA KANILANG MGA ANAK SA GALLERY NA ITO:
Samantala, aminado naman si Sheryl na isang revelation ang sinabi ng anak para sa kaniya. Ngunit dahil din dito, mas nakilala ng aktres ang kaniyang anak.
“Nakakalungkot at nakakasama ng loob na ganu'n pala 'yung mga nararamdaman ng mga anak natin na hindi naman natin alam. They're just there in the crosshair ng kapag halimbawa nagkahiwalay ang magulang. Kahit na nagmamahalan 'yung magulang natin pero talagang hindi na sila magkasundo, it doesn't mean na it's a failure on the children's part or on the child's part,” sabi ni Sheryl.
Panoorin ang panayam kina Nicole at Sheryl dito: