
Sina Kapuso stars Nikki Co at Cheska Fausto ang bida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Magpapakilig sila sa episode na pinamagatang "Love is Hard."
Si Nikki ay si Richmond, tagapagmana ng isang hardware shop. Si Cheska naman ay si Beverly, babaeng nagpapatayo ng kanyang dream house.
Agad na tatamaan si Richmond kay Beverly dahil sa lively at bubbly personality nito.
Pero dahil masyado siyang nag-concentrate sa pag-aaral at pagsalo ng family business, walang alam sa panliligaw o pagporma si Richmond.
Galing din siya sa Chinese na pamilya, kaya gusto ng nanay ni Richmond na Chinese din ang mapangasawa niya.
Paano kaya ipaparating ni Richmond kay Beverly ang feelings niya?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Love is Hard," March 29, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.