
Ang Kapuso stars na sina Nikki Co at Mariane Osabel ay ikinuwento ang mga hinahangaang katangian ng kanilang mga ama ngayong Father's Day.
Ayon kay Nikki, ang quality na hinahangaan niya sa kaniyang ama ay ang pagpupursige sa buhay.
Saad ng Kapuso actor, "'Yung quality na 'yun hindi lang I wish I had, nilu-look up ko din.
'Yun 'yung hindi sumusuko sa buhay."
Pag-amin ni Nikki, hindi sumusuko ang ama sa ano mang pagsubok na hinaharap sa buhay.
"Alam ko naman 'yung kuwento niya siyempre. At kahit hindi kami ganun ka-close and he's not in the picture anymore, alam ko kung gaano siya ka-persistent na ituloy ang buhay at gumawa ng paraan sa mga problema na mga hinaharap namin."
Photo source: sparklegmaartistcenter | niceprintphoto (IG)
Si Mariane naman ay saludo sa pagsisikap ng ama.
Kuwento ng The Clash season 4 Grand Champion, "ang katangian niya na sana ay mayroon din ako ay 'yung perseverance niya at ang resilience niya kasi na-witness ko kung gaano siya ka-hardworking."
Mensahe naman ni Marian sa ama ay sana ay suportahan siya lagi nito sa kaniyang pag-abot sa mga pangarap.
"Pa, Happy Father's Day! I miss you so much. I wish that you're doing well and sana ay suportahan n'yo lang ako always. I wish you the best, I love you!"