
Sina Nikki Co at Sarah Edwards ang magbubukas ng brand-new season ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibida sila sa brand-new episode na pinamagatang "Til Debt Do Us Part."
Gaganap si Nikki bilang Alex, isang debt collector ng isang notorious na loan shark. Si Sarah naman ay si Maya, babaeng baon sa utang.
Sa paghahabol ni Alex kay Maya para singilin sa utang nito, makikita niya ang pagsisikap nito para sa kanyang pamilya.
Dahil dito, tutulungan ni Alex si Maya sa mga maliliit na negosyo para makaipon ng pambayad sa utang.
Genuine ba ang change of heart ni Alex? Matutulungan ba niya talaga si Maya sa problema nito sa pera?
Huwag palampasin ang bagong episode at new season opener na "Til Debt Do Us Part," July 5, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.