GMA Logo nikki gil iya villania
Source: nikkigil (Instagram)
What's Hot

Nikki Gil reunites with Iya Villania, Drew Arellano, and other celebrity friends

By Jimboy Napoles
Published March 14, 2022 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

nikki gil iya villania


Isang mini reunion ang inihanda ni Nikki Gil para muling makasama ang kaibigan at dating katrabaho sa showbiz na si Iya Villania.

Muling nagkita-kita ang mga magkakaibigan at dating celebrity Vjs na sina Nikki Gil, Iya Villania at Luis Manzano--kasama ang kanilang mga asawa na sina BJ Albert, Drew Arellano, Jessy Mendiola--at aktres na si Shaina Magdayao.

Sa Instagram, ipinost ni Nikki ang mga larawan ng kanilang masayang reunion, na ginanap sa kanilang tahanan.

"Marehan 2022 ANG SAYA huhuhuhu missed you guuuuys!! Swipe to see kung sino ang bangka as usual @luckymanzano @iyavillania @shaina_magdayao @senorita_jessy @drewarellano," caption ni Nikki sa kanyang post.

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)

Makikita rin sa isang larawan na ipinost ni Nikki ang matching outfits ng celebrity couple na sina Iya at Drew na nakasuot ng floral printed polos.

Sa comment section, ilang celebrities din ang nagpahayag ng tuwa sa muling pagkikita ng mga magkakaibigan gaya nina Iza Calzado at Isabelle daza.

"So fun!!!," komento ni Isabelle.

"OMG hiiiii guys!!!!! Miss you!!!!," saad naman ni Iza.

Looking forward daw ang celebrity mom na si Nikki na masundan pa ang kanilang ginawang reunion.

Samantala, silipin naman ang ilang naging online reunions ng showbiz groups at programs habang may quarantine sa gallery na ito.