GMA Logo Nikko Natividad
Source: Nikko Seagal Natividad (FB)
What's Hot

Nikko Natividad, pinasalamatan ang mga bashers sa gitna ng kinakaharap na isyu

By Mark Joseph F. Carreon
Published March 17, 2026 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Send warships to Strait of Hormuz? Teodoro says PH does not have the capability
Anne Curtis lands magazine cover, speaks about misogyny
Zephanie, Michael Sager reunite to bring kilig and major P-Pop vibe in “Born to Shine"

Article Inside Page


Showbiz News

Nikko Natividad


May pabirong banat si Nikko Natividad sa kanyang bashers sa social media: “Salamat po sa mga masasakit n'yong comment.”

Tila nahanap na ng aktor na si Nikko Natividad ang positibong anggulo sa gitna ng mga batikos na kanyang tinatanggap sa social media.

Sa halip na mapikon, pabirong pinasalamatan ng aktor ang kanyang mga bashers dahil sa hatid na “earnings” ng mga ito sa kanyang Facebook page.

Matatandaang naging mainit ang pangalan ni Nikko kamakailan matapos masangkot sa kontrobersya ng pagkalat ng mga private videos, na kanya namang hinarap at binigyang-linaw sa panayam ng showbiz reporter na si Ogie Diaz.

Dahil sa naturang isyu, inulan ng samu't saring reaksyon ang mga posts ng aktor. Ngunit sa isang sorpresang Facebook post, ipinakita ni Nikko na ang bawat “masakit na salita” ay may katapat na halaga.

Nagbahagi si Nikko ng mga screenshots na nagpapakita ng kanyang Facebook Insights, partikular na ang isang post kasama ang asawang si Cielo Eusebio.

“Salamat po sa mga masasakit nyong comment,” pabirong hirit ni Nikko sa kanyang caption.

Dagdag pa niya, wala siyang balak i-off ang comment section ng kanyang page dahil ang bawat interaction ay malaking tulong sa kanilang mga gastusin.

“Don't worry, hindi ako mag-off comment at pambayad din namin ng kuryente,” ani Nikko.

Sa isa pang bukod na post, nagbahagi muli si Nikko ng screenshot kung saan kita ang 14 million views at 1.5 million engagement na nagresulta sa tinatayang kita na $160.18.

Idinagdag pa niya na ang kinikita mula sa mga haters ay maaari ring ipang-”full tank” ng kanyang sasakyan.

“Sayang naman kung mag off ng comment. Kailangan din pang full tank,” pabirong sabi ni Nikko sa kanyang caption.

Sa comment section ng kanyang sariling post, pabirong humirit si Nikko na baka nagkamali siya sa pag-post ng kanyang kita dahil baka biglang tumigil ang mga nambabatikos sa kanya.

“Mali yata na pinost ko 'to. Baka tumigil sila bigla,” biro pa ng aktor.

Source: Nikko Seagal Natividad (FB)

Isa si Nikko sa mga celebrity na hinarap ang isyu ng pagkalat ng mga pribadong “intimate videos” online, kasama sina Gil Cuerva, Arron Villaflor, Ron Angeles, at Nico Locco.