
Tila nalungkot ang actor-dancer na si Nikko Natividad dahil sa komento ng isang netizen tungkol sa bagong beach house nila ni Zeus Collins sa Iba, Zambales.
Ipinasilip ng dalawang former Hashtag members ang kanilang Sunset Serenity Beach House kamakailan sa Instagram.
Related gallery: Lolong star Nikko Natividad, ipinasilip ang pinapagawang beach house sa Zambales
Ngunit nakaramdam ng pagkadismaya si Nikko nang makita niya ang komentong magsasara rin ang kanilang beach house business.
Ipinost ng Lolong actor ang screenshot ng komento at sinabing: “'Pag iligal ginawa mo nagagalit ang mga tao. 'Pag lumaban naman ng patas ganyan naman sasabihin sayo Hirap mabuhay.” Sabay biro niya kay Zeus, “@hashtag_zeuscollins gawin nalang nating computer shop tong”
Ipinagtanggol naman sina Nikko at Zeus ng Ticktoclock host na si Jayson Gainza, “Congrats tol dadami pa yan . Wag kang magalala yung nagsbing magsasara bibig nya magsasara.”
Source: nikkonatividad (IG)
Kasalukuyang napapanood si Zeus Collins sa hit dance reality competition na Stars on the Floor.
RELATED CONTENT: Resorts at beach houses ng mga sikat