
Ninja moves ang galawan nina Pepito (Michael V) at Patrick (John Feir) sa burol ni Tiyo Dandoy nang malaman nilang may iba pa pala itong karelasyon.
Itatago nila mula kay Tiya Lucing (Alicia Alonzo) ang mga babaeng karelasyon daw ni Tiyo Dandoy at isa-isang sumulpot sa burol nito.
Samantala, veteran moves naman ang galaw ni Tommy (Ronnie Henares) sa husay niya sa pagtatago mula sa kanyang pinagkakautangan. Mukhang makaka-jackpot pa siya nang di inaakalang makabili ng isang veteran's cap mula sa ukay, ang dahilan kung bakit mas bumuti ang trato sa kanya ng ibang tao.
Sa tila larong tago-taguan, magtagumpay naman kaya sina Pepito, Patrick, at Tommy?
Piliin na tumawa at matuto sa isa namang kuwelang episode ng multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ngayong Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.