
Isang father and son showbiz duo ang bibida sa bagong episode at special Father's Day presentation ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Tampok sina Niño Muhlach at anak niyang si Sandro Muhlach sa episode na "Pan de Daddy."
Gaganap si Niño bilang Joseph, isang simpleng panadero na malalamang may teenage son pala siyang matagal nang itinago sa kanya.
Ito ay si Luke, karakter ni Sandro, na nais makilala ang tatay niya matapos ang maraming taon na hindi niya ito nakapiling.
Magkaroon kaya ng connection ang mag-ama kahit ngayon lang sila nagkakilala?
Masaya si Sandro na makasama si Niño sa isang taped acting project matapos ang ilang joint appearances sa mga game shows, variety shows at sa live theater.
"Mas comfortable akong maka-work si Papa kasi nagka-work na kami before sa mga teatro. Lahat ng feelings na nagawa ko dito, sobrang natural lahat. Very close sa akin 'yung story and 'yung character ko na si Luke so ang dali lang mag-work with Papa," bahagi ni Sandro tungkol sa pagiging co-stars nila sa episode.
Sigurado raw siyang maraming mata-touch at makaka-relate sa kuwentong handog nila.
"Maghanda kayo ng balde. Hindi tissue, balde," pabiro niyang paalala bago manood ng kanilang episode.
Abangan sina Niño at Sandro Muhlach sa Father's Day special at brand new episode na "Pan de Daddy," June 18, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG MGA DAPAT ABANGAN NA EKSENA SA GALLERY NA ITO: