What's Hot

Niño Muhlach feels sorry for portraying Paco Larrañaga in an investigative program

By Jansen Ramos
Published July 26, 2018 12:20 PM PHT
Updated July 26, 2018 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pamamagitan ng isang Facebook post, humingi ng paumanhin si Niño Muhlach kay Paco Larrañaga, ang prime suspect sa 1997 Marijoy at Jacqueline Chiong murder case. Bakit? Alamin dito.

Humingi ng paumanhin ang aktor na si Niño Muhlach kay Paco Larrañaga na inakusahang prime suspect sa pangingidnap, pang-re-rape at pagpatay sa magkapatid na sina Marijoy at Jacqueline Chiong noong 1997.

Ibinahagi ng dating child star sa kanyang Facebook account na ginampanan niya ang karakter ni Paco na isang drug-crazed maniac para sa defunct investigative program na Calvento Files na ipinalabas sa ABS-CBN noong kasagsagan ng kaso nito.

 

Pahayag ni Niño, "SORRY PACO. I was asked to play the role of Paco Larrañaga for CALVENTO FILES that was aired on ABS-CBN at the time the case of the Chiong sisters was being heard on national TV. As an actor, I was asked to portray Paco as a drug-crazed maniac."

Inamin niya na nakokonsensiya siya sa pagganap sa maling imahe ng Filipino-Spanish citizen matapos mapanood ang 2011 documentary film na "Give Up Tomorrow" na base sa tila flawed judicial system sa bansa. Bilang aktor, humingi rin siya ng dispensa dahil kinailangan niyang sundin ang nakasulat sa script.

Nagpasalamat naman kay Niño ang team sa likod ng dokumentaryo via Facebook sa pakikiisa sa kanilang layunin na mabigyang hustisya ang kaso laban sa Chiong 7.

 

"Thank you, Niño Muhlach, for this heartfelt apology to Paco and for rallying us all to stand up & fight the injustice that Paco & the rest of the Chiong 7 had to suffer! #FreePacoNow"

Noong July 11, isang netizen ang naglunsad ng isang online petition para hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Korte Suprema na muling buksan ang controversial murder case. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 125,000 signatures.