GMA Logo Ninong Ry
Source: ninongry/FB
What's Hot

Ninong Ry, naghahanap na ng bagong studio matapos bahain

By Kristian Eric Javier
Published August 5, 2025 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Ninong Ry


Naghahanap na ng ibang studio si Ninong Ry matapos malubog sa baha dahil sa bagyo.

Matapos ang pinagdaanan na panibagong sakuna ng content creator at chef na si Ryan Morales Reyes, o mas kilala bilang si Ninong Ry, tila isinusuko na niya ang kusina at studio na ginagamit niya ngayon. Naghahanap na ng bagong studio ang content creator na maaari nilang magamit para ipagpatuloy ang kanilang ginagawa

Matatandaan na noong July 22, ibinahagi ng food content creator ang muling dinanas ng kanilang bahay matapos pasukin ng tubig baha dahil sa bagyo. Kabilang na rito ang kusina kung saan siya karaniwang nagshu-shoot ng content para sa kaniyang channel.

Sa Facebook post ni Ninong Ry nitong Martes, August 5, nagbigay siya ng maiksing update kung saan nakaraos na sila sa baha at nakapag-deep cleaning na rin.

“Nakakalungkot isipin na mauulit pa rin to,” pagbabahagi niya. “Sobrang daming oras, energy, at pera ang nasasayang tuwing mangyayari 'to kaya palagay ko, oras na. Oras na siguro para humanap kami ng bagong studio.”

Naniniwala rin siya na swerte ang lugar kung saan sila nagshu-shoot ng content ngayon. Ngunit aniya, kung naniniwala siya sa swerte ay naniniwala rin siya sa malas. “Eto na nga siguro yun,” aniya.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAAPEKTUHAN NG HUSTO NG BAGYO NOONG NAKARAANG TAON SA GALLERY NA ITO:


Dahil dito, nagpatulong na si Ninong Ry sa netizens magpahanap ng lugar na pwede nilang lipatan.

“Pwedeng bahay, or kung ano man na pwede naming i-fit out na maging studio. Yung medyo malapit lang po sa malabon para hindi mahirapang bumyahe ang team. Yung may parking po sana and hindi gaanong binabaha,” sabi ni Ry.

Sa huli, inamin ng food content creator na hindi madali ang naging desisyon niya, ngunit tingin nila ay kailangan itong gawin para maipagpatuloy ang kanilang ginagawa.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ibinahagi rin ni Ninong Ry ang naging estado niya at ng kanilang bahay dahil sa bagyo.

Tingnan dito ang post ni Ninong Ry: