GMA Logo Ninong Ry at SB19
Photo by: Ninong Ry YT
What's Hot

Ninong Ry, nagluto para sa SB19

By Kristine Kang
Published March 16, 2026 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA reimplements heat stroke breaks for field personnel
Possible foul play eyed in burning of wing van in Iloilo
Randy Ortiz Man #Unofficial 40 menswear show set on March 19

Article Inside Page


Showbiz News

Ninong Ry at SB19


Nagsama muli sina Ninong Ry at SB19 sa isang nakakatawang vlog!

Doble ang bisa ng saya para sa mga inaanak at A'TINs nang muling magsama ang content creator na si Ninong Ry at ang Kings of P-pop na SB19!

Sa bagong cooking vlog, masayang ipinagluto ng vlogger ang ilan sa cravings ng boy group.

Kasama sa kanyang mouthwatering menu ang beef kansi, crispy kare-kare, rib-eye steak, at steamed seafood platter.

Maliban sa nakakagutom na handa, masaya ring nag-banter sina SB19 at Ninong Ry sa kusina.

"Alam n'yo expert ako sa mga pagda-diet na 'yan. Halata naman, e," hirit ng cook.

"Gusto namin matuto sa inyo. Ano ba ang mapapayo n'yo sa amin, Ninong Ry?" ani ni Josh.

"Dapat magchi-cheat day kayo parang 5 times a week. Two times lang 'yung diet. Kasi ayaw natin ng fatigue e," pabirong sagot ni Ninong Ry na ikinatuwa ng grupo.

"Tama. Dapat hindi stressful ang diet," hirit ni Stell.

"Kapag na-stress ka, lalo ka kakain," dagdag ni Pablo.

Bukod sa kulitan sa kusina, masaya ring nag-role play si Ninong Ry at ilan sa kanyang mga kasamahan habang suot ang kanilang cameo costumes mula sa music video ng "Visa."

"Kayo na naman. E kayo ang sumingit sa music video namin a. Pati pagkain namin kinain n'yo!" biro ng content creator.

" Ah, inyo ito? Asan pangalan n'yo?" banter ni Stell.

"Tandaan n'yo, 'pag sumikat ang bandang Pula Pero Asul, magpapa-picture kayo sa amin!" sagot ni Ninong Ry.

Game ding nakipagkuwentuhan ang lahat tungkol sa kanilang unang pagkikita at sa career journey ng SB19.

Isa na rito ang kanilang abalang schedule, mula lokal hanggang internasyonal.

"Papaano n'yo pinagkakasya mga 'yun at higit sa lahat, saan n'yo nakukuha 'yung energy?" tanong ni Ninong Ry.

"Feeling ko po sa mga tao rin, sa team po namin. Kahit korny siya pakinggan. Pero kasi kapag nakikita mo po 'yung mga tao sa paligid mo na rooting for you, parang gagawin mo 'yung best mo," kwento ni Stell.

Siyempre, isa raw sa kanilang inspirasyon ang kanilang A'TINs.

"Though alam naman natin na may good things and bad things naman 'yung relationship ng isang artist sa fans. Pero malaking bagay pa rin sila. It's a big factor na you understand each other," dagdag ni Stell.

"Mahirap siya i-explain kasi wala talaga siyang formula for everything na ginagawa namin. Pero I think 'yung pinaka malaking factor talaga is 'yung support system na nararamdaman namin. 'Yun 'yung nagpu-push sa amin until now."

Matatandaang nakasama si Ninong Ry at ilan sa kanyang team sa bagong music video ng SB19 na "Visa." Dagdag kwela at saya ang kanilang stints at kulitan, on-cam o off-cam pa ito.

link: link: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/sb19-drops-powerful-single-visa/130673/

Samantala, naghahanda ang P-pop Kings sa kanilang upcoming “Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale,” na gaganapin sa April 18 sa SMDC Festival Grounds.

Ilalabas din ng grupo ang kanilang bagong album na Wakas at Simula sa March 27.

Balikan ang highlights ng SB19 anniversary fashion-concert, Fast Zone,sa gallery na ito: