Article Inside Page
Showbiz News
Hindi raw muna magha-honeymoon sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero pagkatapos ikasal. Ibig sabihin din ba nito ay wala rin munang Chiz Jr. or little Heart?
By CHERRY SUN
Hindi raw muna magha-honeymoon sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero pagkatapos ikasal. Ibig sabihin din ba nito ay wala rin munang Chiz Jr. or little Heart?
Sagot ni Heart nang tanungin siya tungkol sa kanilang honeymoon sa
Unang Hirit, “Wala eh, kasi minsan nakakalimutan ko mapapangasawa ko nga pala senador so medyo sine-share ko siya sa buong bansa.”
“May mga responsibilidad siya na kailangan niya unahin bago ako. Okay lang naman din. I mean nakapunta naman din kaming Paris, nakapaglakbay naman kami before the wedding so okay lang,” dugtong niya.
Napag-usapan na rin daw nila ng kanyang fiancé ang pagkakaroon ng babies.
“Gusto ko na talaga pero pinakiusapan niya ako na ‘give me one year’. So one year muna daw. So okay lang din na one year muna tapos magbe-baby ako,” pag-amin ni Heart.
“Anyway, lahi naman namin mabilis naman daw. Mommy ko, mabilis lang nabuntis so I’m sure I won’t have a problem,” dagdag ng Kapuso actress-host.
Less than two weeks na lang at magpapalitan na ng “I do” ang engaged power couple. Bago pa man ang kanilang big day ay may dalawa pang malalaking events para sa Kapuso bride-to-be. Ito ay ang kanyang despedida de soltera at 30th birthday na magaganap isang araw bago ang kasal.
Ani Heart, “Meron kaming handa doon sa Balesin na the day before. We start early kasi kailangan matulog ng maaga. Madami rin kaming mga guests na nandun na the day (before) so meron talaga kaming konting birthday party doon.”
Dagdag din niya, “Meron akong despedida de soltera. Although my mom won’t be there, but all my relatives will be there. Pero we’re just waiting for everybody to come. Kasi ‘yung kapatid ko, ‘yung mga iba kong relatives hindi pa dumarating so kailangan hintayin namin para makumpleto kami.”