
Isang malaking box office hit ang tampok sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Nagsama-sama ang big stars na sina Anne Curtis, Derek Ramsay, at Cristine Reyes sa romantic drama film na No Other Woman.
Tungkol ito sa isang happily married na lalaki na bibigay sa tukso ng isang kliyente habang gagawin ng kanyang asawa ang lahat para mabawi ang atensiyon niya.
Dahil sa magandang performance ng pelikula sa takilya, hinirang bilang Box Office Queens sina Anne Curtis at Cristine Reyes habang Box Office King naman si Derek Ramsay sa 2012 GMMSF Box-Office Entertainment Awards.
Nanalo rin si Anne Curtis bilang Best Actress sa 60th FAMAS Awards noong 2012 dahil sa pagganap niya sa pelikula.
Huwag palampasin ang No Other Woman, July 14, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Tunghayan din ang Bigkis, isang drama film na tungkol sa mga kaganapan sa isang overcrowded na public maternity hospital.
Tampok dito ang dramatic actresses na sina Lauren Young at LJ Reyes.
Abangan ang Bigkis, July 13, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.