Article Inside Page
Showbiz News
One hundred percent ang ibinigay ni Mico Aytona in playing the game sa Survivor Philippines kaya naman wala siyang regrets sa pagsali dito.
One hundred percent ang ibinigay ni Mico Aytona in playing the game sa Survivor Philippines kaya naman wala siyang regrets sa pagsali dito. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio.

Kilala siya bilang baby ng isla, but don’t make the mistake of thinking this baby can’t do anything. Mico Aytona is out to prove na hindi lang siya isang basta-bastang castaway sa
Survivor Philippines: Celebrity Edition, kundi isang tunay na survivor na palaban.
Paano kaya niya ilalarawan ang kanyang naging experience sa
Survivor?
“Life-changing. Grabe, ngayon nava-value ko na yung mga things that surrounds me,” kuwento ni Mico. “Kasi sometimes we take things for granted, pero ngayon wala na talagang arte-arte, at saka lahat gagawin mo to survive.”
Nagkaroon ba siya ng kahit anong mga regrets sa mga ginawa niya sa isla during the length of his stay as a castaway?
“Wala po, kasi etong
Survivor talaga, season 1 pa lang, sinabi ko sa sarili ko, ‘Pagka merong celebrity edition, gusto ko talagang sumali’. So no regrets,” sagot niya. “Nag-enjoy po talaga ako sa although mahirap, mahirap, pero sobrang nag-enjoy po ako.”
Pati naman sa mga challenges ay wala ring regrets si Mico sa kanyang mga nagawa.
“Ay, no regrets po kasi po lahat naman po naipakita ko sa
Survivor, so solve po ako sa mga ginawa ko dun.”
Kamusta naman kaya ang kanyang naging relationship with the other
Survivor celebrity castaways?
“Maganda po, kasi sa’kin naman po, inisip ko na dun pa lang sa, bago pa lang magstart yung game, sinabi ko, laro lang ‘to,” he reveals. “At sinabi ko nga sa kanila na kahit ano pa yung mangyari sa’tin, backstabbing, it’s part of the game. So sabi ko, after nito, panatiliin natin yung magandang pagsasama natin at pagkakaibigan natin.”
Ano naman ang aabangan ng mga viewers from him sa
Survivor Philippines?
“Abangan ninyo kasi nakikita nila ako sa Ka-Blog! na puro pa-cute lang and feeling nila siguro wala akong maitutulong, maco-contribute, at masu-survive. Panoorn niyo kung paano ako magsu-survive sa isla,” he says.
Panoorin si Mico at ang iba pang mga castaways sa
Survivor Philippines: Celebrity Edition weeknights after
24 Oras only on GMA.
You can also take a peek at Mico and the other
Survivor castaways in this photo gallery.
Pag-usapan si Mico sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!