What's Hot

#NoCompetition: Saab Magalona, nakiusap na huwag ipagkumpara ang celebrity babies

By Aedrianne Acar
Published September 17, 2018 12:04 PM PHT
Updated September 17, 2018 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angeles City building collapse death toll rises to 3
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE
Philippine Half Marathon Series 2026 boosts local sports tourism across six cities

Article Inside Page


Showbiz News



Saab Magalona, nakiusap na huwag ikumpara si Pancho sa iba pang celebrities babies, “They are all cute and not everything is a competition.”

May paalala ang singer/blogger na si Saab Magalona sa netizens na maging maingat sa mga komento na binibitawan patungkol sa mga anak ng mga artista.

#PanchoGerardo: Cutest photos of Saab Magalona's miracle baby

Dinaan ni Saab ang pakiusap sa Twitter nang may mabasa siyang comments tungkol sa kaniyang anak na si Baby Pancho.

Aniya, “Super appreciate all the love for Pancho but please do not pit babies against other babies! They are all cute and not everything is a competition.”

Umamin din ang celebrity mom na nawawalan siya ng gana mag-post sa tuwing may makikita siyang mga ganitong komento sa social media.

Nanganak si Saab nito lamang taon, ngunit namatay ang twin sister ni Pancho noong February 8.