
Season of giving and shopping na sa Noel Bazaar 2025.
Sa darating na October 17 to 19 sa Filinvest Tent, Alabang, gaganapin na ang kick-off ng Noel Bazaar 2025.
Ang Noel Bazaar ay organized by Cut Unlimited and co-presented by GMA. Ang kilalang longest running holiday bazaar na Noel Bazaar nagse-celebrate din ng 25th anniversary ngayong 2025 ka-partner ng GMA Network at GMA Kapuso Foundation.
Over 500 participating merchants ang aasahan ng holiday shoppers mula sa iba't ibang venues ng Noel Bazaar 2025.
Sa ginanap na press conference ng Noel Bazaar 2025 ay nakasama ang Kapuso stars at celebrity ambassadors na sina Skye Chua at P-Pop group na Cloud 7. Ang iba pang ambassadors ng Noel Bazaar 2025 ay sina Carla Abellana, Jillian Ward, Rhian Ramos, Ashley Ortega, Tim Yap, AZ Martinez, at Iya Villania. Bukod sa mga ambassadors, may mga celebrities din na bibisita at magpe-perform sa Noel Bazaar 2025.
Ayon sa Cloud 7, "Were' really excited na makita ang fans at mga shoppers."
Saad naman ni Skye, "I am always happy to help out especially noong nalaman ko 'yung backstory ng Noel Bazaar. Partners pala sila ng Kapuso Foundation so talagang may matutulungan tayo kapag pumunta tayo ng Noel Bazaar."
Samantala, narito ang schedule ng Noel Bazaar 2025.
Panoorin ang ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras: