
Hindi nakapagtataka kung bakit itinuturing na hottest celebrity actor ang Bubble Gang star na si Jak Roberto.
EXCLUSIVE: Jak Roberto, never naisip lumipat ng network
Nakakagulat ang determinasyon at dedikasyon na ibinibigay ng guwapong binata para mapanatiling fit ang kaniyang katawan.
Isang pagpapatunay ay nang ibinahagi ng Kapuso star ang isang video sa Instagram, kung saan pinasilip niya sa netizens ang ginagawa niyang exercise routine sa loob ng kaniyang tent kahit nasa taping.
Humanga naman ang ilang celebrities tulad nila Yasmien Kurdi at Divine Tetay sa pagiging seryoso ni Jak Roberto sa kanyang fitness regimen.