What's Hot

Nora Aunor, binatikos ang gobyerno kaugnay sa kaso ni Mary Jane Veloso

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



“Bakit last minute lang?” - Nora Aunor
By CHERRY SUN

Kinuwestyon ni Nora Aunor ang late na pagtutok ng gobyerno sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang overseas worker na nakatakdang humarap sa firing squad dahil umano sa pagpuslit ng droga sa Indonesia.

Ayon kay Nora ay dapat daw naging mas maagap ang gobyerno upang mailigtas ang ating kababayan.

Panimula ni Ate Guy sa panayam ng 24 Oras, “Bakit last minute lang?”

“Ang sa akin naman kasi, hindi naman sa ano pang bagay, kung nabalitaan na natin noong araw na mayroong ganyan dapat noon pa may nag asikaso na,” patuloy niya.

Humingi rin ng paumanhin ang Superstar sa naudlot niyang pagdalo sa vigil sa Indonesian embassy.

Aniya, “Sa pamilya niya dapat nagkita kami pero pasensya na po kayo at hindi ako nakarating doon sa usapan po natin. Mayroon po akong importanteng ginawa kaya hindi po ako nakarating pero magkikita po tayo at makikilala ko rin po kayo.”

Minsan nang gumanap si Nora bilang Flor Contemplacion, ang OFW sa Singapore na pinatawan din noon ng death sentence.