What's Hot

Nora Aunor on National Artist snub: "Kalimutan na natin 'yan."

By Jansen Ramos
Published October 26, 2018 1:15 PM PHT
Updated October 26, 2018 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
LIVE UPDATES: Conflict in the Middle East (April 17, 2026)
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Nora Aunor: “Ano ba naman ang isang award kung kapalit naman nito'y ang paulit-ulit na paghamak sa pagkatao ko at sa mga taong naniniwala sa akin?”

Hindi kasama sa mga pinarangalan bilang National Artist ang beteranang aktres na si Nora Aunor noong Miyerkules, October 25.

Maaalalang hindi ito ang unang pagkakataon na naging isyu ang pagkakatanggal ng Superstar sa opisyal na listahan nang dahil sa kaso ng ilegal na droga.

Sa unang pagkakataon, nagbigay ng pahayag ang aktres sa Radyo Inquirer sa pamamagitan ng isang text message.

“Kalimutan na natin ang National Artist na yan.” wika niya.

Sinabi rin ni Nora na mas mainam pang huwag na siyang parangalan bilang National Artist kung sisirain lang din ang kaniyang pagkatao at ang mga taong naniniwala sa kaniya.

“Kung gagamitin lang naman ang National Artist para pagpiyestahan at hamakin ang mga personal kong pagpupunyagi sa buhay--ako na po ang nakikiusap na itigil na po natin ang lahat nang ito.

“Ano ba naman ang isang award kung kapalit naman nito'y ang paulit-ulit na paghamak sa pagkatao ko at sa mga taong naniniwala sa akin?”

Dagdag pa ng Himala actress, ang Noranians daw ang pinakaapektado sa isyung ito.

“Hindi ako ang binastos at pinaglaruan nila kundi ang mga Noranians, mga taong nagtitiwala at naniniwala pa rin sa talentong ibinigay ng Diyos sa akin. Isa pa hindi kasi ako politikong tao,”

Ayon pa sa ulat ng Radyo Inquirer, nagpasalamat pa rin ang Superstar sa lahat ng mga patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan at kontribusyon sa sining at kultura.

Pansamantala mang huminto ang batikang aktres sa paggawa ng pelikula, patuloy naman siyang napapanood sa primetime series na Onanay.