
Maaga dumating ang Pasko para sa mga bata ng Obando, Bulacan dahil namigay ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ng aginaldo habang nasa taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit.
Sa mga larawan, makikita ang mga bata na nagmamano sa Superstar matapos niya itong bigyan ng aginaldo.
Samantala, abangan ang Superstar sa TV adapatation ng Bilangin ang Bituin sa Langit kasama sina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, at Yasser Marta. Kabilang din dito sina Gabby Eigenmann, Ina Feleo, Isabel Rivas, at Divina Valencia.
Abangan ang Bilangin ang Bituin sa Langit sa 2020 sa GMA Afternoon Prime.