
Nagbalik-tanaw si Arnold Clavio sa ilan sa kanyang interviews sa Tonight With Arnold Clavio.
Isa rito ay ang interview niya with Nora Aunor noong January 2016, kung saan tinanong siya ni Igan sa "Nasubukan Mo Na Ba?" segment kung naligawan na siya ng co-star niya.
Oo ang naging sagot ng tinaguriang Superstar.
Paliwanag niya, "Sabay-sabay pa ho yun. Hindi ko nga alam kung 'yung mukha ko, itsura ko o 'yung pangalan ko [ang dahilan kaya nila ako nililigawan.]"
Sinagot ba niya ang mga ito?
Sagot ni Nora, "Lahat sila sinagot ko."
Pero hindi naman daw niya sabay-sabay na sinagot.
Aniya, "Kapag ako nagmahal, isa lang po mamahalin ko, ganun."
Mapapanood ngayon si Nora Aunor sa GMA Telebabad show na Onanay, tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi.