
Ang buong Philippine entertainment industry ay nagluluksa sa pagpanaw ng tinaguriang Superstar na si Nora Aunor.
Bukod sa napakaraming celebrities, labis ding ikinagulat ng Noranians at PH showbiz fans ang biglaang pamamaalam ng kilalang veteran actress.
Related gallery: The accomplished children of Nora Aunor
Kasunod ng malungkot na balita, bumuhos ang mga reaksyon at komento ng mga tagahanga ni Nora na ipinadaan nila sa social media.
Narito ang ilang comments kaugnay ng pagpanaw ng aktres:
Ang veteran actress ay binawian ng buhay nito lamang Miyerkules ng gabi, April 16, sa edad na 71.
Ang pagpanaw ng veteran actress ay inanunsyo mismo ng kaniyang anak at aktor na si Ian De Leon sa pamamagitan ng isang madamdaming Facebook post.
Matatandaang noong 2022, si Nora Aunor ay kabilang sa mga nakatanggap ng pagkilala mula sa Malacanang bilang isa sa mga bagong National Artist.
Si Nora ay huling napanood sa GMA Network sa pinag-usapang afternoon series na Lilet Matias: Attorney-at-Law na pinagbidahan ng Sparkle actress na si Jo Berry.
Ilan naman sa mga pelikulang ginawa at kinabilangan ni Nora na labis na tumatak sa mga manonood ay ang Bilangin ang Bituin sa Langit, Minsa'y Isang Gamu-gamo, Himala, Thy Womb, at marami pang iba.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBANG SHOWBIZ DEATHS NA IKINAGULAT NG MARAMI