
"Parang panaginip" kung ilarawan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang pagkakataon na makaeksena nila si Conan O'Brien sa pinagbibidahan nilang GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR.
Ayon sa panayam ni Nelson Canlas sa Kapuso couple sa 24 Oras, hindi nila inasahan na makikilala nila ang kanilang international idol.
"Di ako makapaniwala na na-guest s'ya dito at ito pang Sanggang-Dikit FR 'yung show na napili n'ya sa lahat ng shows dito sa Pilipinas kaya thank you, Conan. It's an honor, parang 'di totoo," ani Dennis.
Ganito rin ang naramdaman ni Jen na aniya'y memorable ang pambihirang experience na makasama ang American TV host and comedian.
Ika ng aktres, "Ang sarap sa pakiramdam na parte kami ng pinunta dito ni Conan sa Pilipinas kaya ang swerte natin. Ang swerte ng Sanggang-Dikit FR na mabisita kami ni Conan dito."
Samantala, ipinasilip din ni Dennis ang cameo ni Conan sa Sanggang-Dikit FR na mapapapanood na ngayong Miyerkules, October 29.
Sulat ng aktor sa caption, "Hindi po AI, hindi din panaginip, never na-imagine na mangyayare…welcome to the party @teamcoco".
Sa serye, gaganap si Conan bilang isang lunatic foreigner na aarestuhin nina Tonyo at Bobby, mga karakter nina Dennis at Jennylyn, matapos makuha ang isang medalyon.
Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:55 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.
RELATED CONTENT: Some of the foreign celebrities who visited Philippines