What's on TV

Ang mga multong sumapi kay Sunny

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 9:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran accuses Trump of encouraging political destabilization, inciting violence
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong nakita na ni Johann ang mga multong pwedeng sumapi kay Sunny, tutulungan kaya niya ito para tumigil na ang mga kaluluwa na gambalain siya?


Sa The Master’s Sun, masayang masaya si Sunny na naging mahimbing ang kanyang pagtulog. Akala niya nanaginip lang siya dahil kasama niya sa pagtulog si Johann. Wala ng multong gumugulo sa kanya sa tulong ni Johann.



Nagising si Johann at nalaman ni Sunny na hindi pala panaginip ang nangyayari. Nakatulog nga siya sa bahay ng binata. Paano kaya nangyari iyon?

Kinuwento ni Johann na nagpunta si Sunny sa kanyang bahay at ginulo niya si Johann. Maraming mga multo ang pumasok at lumabas sa katawan ni Sunny.



1. Isang bata

Iyak ng iyak ang kaluluwang pumasok sa katawan ni Sunny. Isa pala itong bata. May hinahanap ito at nanghihingi ng tulong kay Johann. Nainis si Johann at hinawakan si Sunny. Biglang umalis ang kaluluwa sa katawan ni Sunny dahil sa paghawak nito sa kanya.



2. French ballerina

Nanghingi ng tubig si Sunny dahil nauuhaw ito. Pagkabalik ni Johann dala ang tubig para inumin ni Sunny. Ibang kaluluwa naman ang umangkin ng kanyang katawan. Isa siyang French ballerina.

Sumasayaw ito at nagsasalita ng French. Nabaliw na si Johann sa nangyayari sa loob ng kanyang pamamahay.

Gulong-gulo na rin siya sa mga multong pumapasok sa katawan ni Sunny. Hanggang kailan kaya magiging ganito ang sitwasyon sa bahay niya?



3. Siberian Husky

Pagkatapos ng French Ballerina, naging aso si Sunny. Tahol ito ng tahol. Sinira pa nito ang unan ni Johann at nginatngat.

Laking gulat ni Johann na pwede palang mangyari ito kay Sunny.



4. Hazel Cha

Para kay Johann, isang masamang babae si Hazel Cha. Sa pagkamatay nito, hindi na makabasa si Johann. Meron din siyang first love curse dahil sa kanya. Nang muling makita nito si Hazel sa pamamagitan ni Sunny, sinabi niyang ibalik sa kanya ang gamit na kinuha nito na nagkakahalaga ng 10 billion.

Maibabalik kaya ni Hazel ang nawala kay Johann?

Ngayong nakita na ni Johann ang mga multong pwedeng sumapi kay Sunny, tutulungan kaya niya ito para tumigil na ang mga kaluluwa na gambalain siya?



Ito na ba ang simula ng magandang samahan nina Johann at Sunny?

Like: www.fb.com/TheMastersSun7


Panoorin ang The Master’s Sun pagkatapos ng Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA. Para sa latest shows, bisitahin lagi ang www.gmanetwork.com. --Text by Eunicia Mediodia, Photo by GMANetwork.com.