
Inamin na ng ina ni Jameson (Jang Ki-yong) na ayaw niya kay Corrine (Song Hye-kyo)!
Sa #NWABUUnsupportive episode kagabi (July 12), harap-harapang sinabi ng ina ni Jameson na hindi niya gusto si Corrine para sa kanyang anak.
Si Corrine ang sinisisi nito sa pagkamatay ng kapatid ni Jameson at ex-boyfriend ni Corrine na si Jordan.
Iniisip niya na baka mawala rin si Jameson sa kanya kapag ipinagpatuloy pa nito ang relasyon niya kay Corrine.
Samantala, sa #NWABUUsAgainstTheWorld episode naman mamaya, maghaharap na ang mga magulang nina Corrine at Jameson.
Ipaglalaban din nina Corrine at Jameson ang kanilang pag-iibigan laban kay Veron na isa pang tutol sa kanilang pagsasama.
Ano kaya ang pag-uusapan ng dalawang ina?
Hanggang saan kaya kayang ipaglaban nina Corrine at Jameson ang kanilang relasyon?
Abangan sa 'Now We Are Breaking Up,' Lunes hanggang Biyernes, 10:20 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG 'NOW WE ARE BREAKING UP' SA GALLERY NA ITO: