
Buo na ang loob ni Jameson (Jang Ki-yong)!
Ipaglalaban niya si Corrine (Song Hye-kyo) sa kanyang pamilya.
Sa #NWABUGoingPublic episode mamaya, tatawagan ni Jameson ang kanyang ina at sasabihin niya na si Corrine ang kanyang girlfriend!
Gaya ng fiancé ng kanyang kuya na si Veron, maging tutol din kaya ang ina niya sa kanilang relasyon? Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang ina kapag nalaman niya na si Corrine ang babaeng mahal ni Jameson?
Samantala, habang tumatagal ay mas napapamahal na si Corrine kay Jameson.
Kung noon ay takot si Corrine na umibig muli, ngayon ay all-out na siya sa kanilang relasyon!
Abangan ang mas nakakakilig nilang mga eksena sa 'Now We Are Breaking Up,' Lunes hanggang Biyernes, 10:20 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG 'NOW WE ARE BREAKING UP' SA GALLERY NA ITO: