
Muling sisimulan ni Corrine (Song Hye-kyo) ang kaniyang buhay.
Sa #NWABUFreshStart episode ngayong gabi, magre-resign si Corrine sa kompanya ni Olive upang magsimula muli sa kaniyang career.
Napagdesisyunan ni Corrine na magtayo ng sarili niyang clothing line kung saan designs niya mismo ang kaniyang gagamitin sa pagbuo ng mga damit.
Samantala, umaasa naman si Corrine na muling paglalapitin ng tadhana ang landas nila ni Jameson (Jang Ki-yong).
Bago umalis si Jameson papuntang Paris, nagpunta si Corrine sa airport upang masilayan sa huling pagkakataon ang lalaking kaniyang minamahal.
Para kay Corrine, si Jameson ang lalaking nagbigay ng lakas ng loob sa kaniya upang ipagpatuloy ang kaniyang buhay.
Panoorin ang huling dalawang gabi ng Now We Are Breaking Up, 10:20 p.m., sa GMA Telebabad.