
Nakilala na ni Corrine (Song Hye-kyo) ang ina ni Jameson (Jang Ki-yong)!
Sa "#NWABUWinHerOver" episode kagabi (July 10), nagkita na ang dalawang babaeng pinakamamahal ni Jameson.
Nakausap na ni Corrine ang ina ni Jameson at pumayag na ito sa kanilang relasyon ngunit kailangan niyang patunayan na totoo ang pag-ibig niya para rito.
Samantala, sa "#NWABUMeetTheParents" episode naman mamayang gabi, si Jameson naman ang ipakikilala ni Corrine sa kanyang mga magulang.
Masaya ang kanilang magiging pagkikita ngunit magbabago ang ihip ng hangin kapag nalaman nila na kapatid ni Jordan si Jameson!
Ano kaya ang gagawin ni Corrine kapag nalaman niyang tutol ang magulang niya sa kanilang relasyon? Paano na si Jameson?
Abangan mamaya sa Now We Are Breaking Up, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG NOW WE ARE BREAKING UP SA GALLERY NA ITO: