
Ginagawa ni Jameson (Jang Ki-yong) ang lahat para makuha ang loob ni Corrine (Song Hye-kyo) ngunit pilit itong lumalayo sa kanya.
Sa #NWABUKissGoodbye episode noong Biyernes (June 16), nagpaalam na si Jameson kay Corrine dahil babalik na siyang muli sa Paris. Sa kanyang pag-alis, patuloy pa rin ang kanyang ginagawang pangungulit kay Corrine ngunit imbes na sabihin ang tunay nitong nararamdaman sa kanya ay binigyan siya nito ng goodbye kiss.
Samantala, sa #NWABUGhostFromThePast episode naman mamaya, magiging bukas si Corrine tungkol sa kanyang nakaraan.
Malalaman ni Jameson ang totoong dahilan kung bakit takot si Corrine na magmahal muli.
Madidiskubre niya na ang ex-boyfriend ni Corrine ay ang kanyang yumaong kapatid na si Jordan.
Paano tatanggapin ni Jameson na may koneksyon si Corrine sa kanyang nag-iisang kapatid?
Panoorin mamaya sa 'Now We Are Breaking Up,' Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG 'NOW WE ARE BREAKING UP' SA GALLERY NA ITO: