
Nagkita na ulit sina Corrine (Song Hye-kyo) at Jameson (Jang Ki-yong)!
Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, mas nakukuha ni Corrine ang atensyon ng guwapong photographer na si Jameson.
Hindi pa rin kasi nakakalimutan ni Jameson na naka-one-night stand niya si Corrine matapos ang Busan Fashion Week na kanilang dinaluhan!
Patuloy namang itinatanggi ni Corrine na nagkita na sila nito noon.
Sa #NWABUIdentity episode mamaya, mapapanood ang unang collaboration nilang dalawa.
Magtatrabaho si Jameson bilang photographer ni Corrine para sa kanyang secret project.
Mukhang hindi naman maiiwasan ni Jameson na maakit sa ganda ni Corrine dahil imbes na mga model ang kuhaan niya ng litrato, ang naturang sikat na fashion designer ang ginagawa niyang subject!
Panoorin ang kanilang nakakakilig na eksena mamaya sa Now We Are Breaking Up, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG NOW WE ARE BREAKING UP SA GALLERY NA ITO: