
Tuluyan nang mamamaalam si Margo sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Sa #NWABUPartingWays episode ngayong gabi, babawian na ng buhay si Margo.
Bago ito mangyari, gagawin nina Olive at Corrine (Song Hye-kyo) ang kanilang makakaya upang mapasaya ang kanilang matalik na kaibigan sa mga huling sandali nito.
Kasabay ng pagpanaw ni Margo ay ang tuluyang pag-alis din ng isa pang mahalagang tao sa buhay ni Corrine.
Lilipad na si Jameson (Jang Ki-yong) papuntang Paris upang doon ipagpatuloy ang kanyang career.
Hindi naman sasama si Corrine ngunit susulitin niya ang gabi na kasama niya ang lalaking kanyang minamahal.
Malungkot man ito, buong puso namang iintindihin ni Jameson ang sitwasyon ni Corrine.
Ano kaya ang plano ni Corrine sa kanyang career? Paano na ang kanilang relasyon?
Abangan sa huling tatlong gabi ng Now We Are Breaking Up, 10:20 p.m., sa GMA Telebabad.