
Ang Men's Volleyball Team ng National University (NU) Bulldogs ang bibisita sa Family Feud ngayong August 4 matapos ang kanilang historic University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 88 Men's Volleyball Championship.
Matapos masungkit ang kanilang historic six-peat championship (Season 83 to 88) at maitala ang kanilang ikawalong UAAP title, pansamantalang maghaharap ang NU Bulldogs bilang magkalaban sa dalawang teams na Set and Save at Spike and Block.
Pangungunahan ni Greg Ancheta ang Set and Save. Ang dependable setter mula sa Manila ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Physical Education. Kasama niya ang libero na si Kade Parreño, isang Marketing Management student mula Bacolod City; kapwa libero na si Jimwell Gapultos ng Palawan, na kumukuha rin ng Bachelor of Physical Education; at ang setter na si Jeffe Gallego Jr. mula Cadiz City, Negros Occidental, na nag-aaral ng Tourism Management.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Sa kabilang team, ang Batangueño outside hitter na si Luke Macatangay ang mangunguna sa Spike and Block. Bukod sa pagiging Accountancy student, anak din siya ng Philippine women's volleyball legend na si Cherry Rose Rivera Macatangay. Makakasama niya ang middle blocker na si Herbert "Migs" Miguel Egger mula sa Puerto Princesa, Palawan; ang Democratic Republic of Congo-born middle blocker na si Obed Mukaba, na kumukuha ng Marketing Management; at ang outside hitter na si Yuan Mendoza mula sa Meycauayan, Bulacan.
Alamin kung sino ang mananaig sa kanilang friendly showdown sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 4, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na mula Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.