GMA Logo Lolong
What's on TV

Number one adventure series na 'Lolong,' magbabalik para sa ikalawang season nito

By Marah Ruiz
Published October 26, 2024 4:16 PM PHT
Updated November 5, 2024 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Magbabalik si Ruru Madrid para sa ikalawang season ng 'Lolong' na tatawaging 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Narito na ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime na Lolong!

Muling mapapanood si primetime action hero Ruru Madrid bilang si Lolong, lalaking may kakayanang makipag-usap sa higanteng buwaya na si Dakila.

Bagong kuwento ang hatid ng pangalawang season ng serye at tatawagin itong Lolong: Bayani ng Bayan.

Kasama ni Ruru ang ilang mga nagbabalik na cast members mula sa unang season ng programa tulad nina Shaira Diaz, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, at Maui Taylor.

Sa pagpapatuloy ng istorya ni Lolong at kanyang mga kaibigan sa bayan ng Tumahan, marami pa silang makikilalang mga bagong mukha.

Opisyal nang ipinakilala ang cast ng Lolong: Bayani ng Bayan sa story conference na ginanap nitong October 25 sa Luxent Hotel sa Quezon City.

Kabilang sa star-studded cast nito ang respetadong mga artista tulad nina John Arcilla, Victor Neri, Shamaine Buencamino, at Leo Martinez.

Mapapanood din sa serye ang Kapuso stars na sina Marin del Rosario, Rocco Nacino, Klea Pineda.

Masaya si Ruru na magkakaroon ng pagkakataong muling makahanap ng mga bagong manonood ang serye na bumago sa kanyang buhay.

"Ipinapangako namin sa inyo na katulad noong ipinakita namin nung season one, araw-araw may bagong pasabog, araw-araw may bago kayong makikita. Pero ang aming layunin at ang aming hangarin naman dito ay makapagbigay ng inspirasyon especially sa mga kabataan," lahad ng aktor sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Binalikan niya ang mainit na pagtanggap sa unang season ng serye at umasa siyang ganito rin ang magiging pagyakap ng mga manonood sa pangalawang season nito.

"Para siyang naging habit na ng bawat pamilyang Pilipino na nanonood gabi-gabi. 'Yun 'yung maipapangako ko, mas wholesome ito. Kahit sino, puwedeng manood dito--bata man o matanda, babae man 'yan o lalaki. Para po sa inyo 'tong Lolong," bahagi ni Ruru.

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay nasa ilalim ng direksiyon nina King Mark Baco at Rommel Penesa.

Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.