GMA Logo Nurse Even family
Celebrity Life

Nurse Even, masaya sa reunion nila ng kaniyang mga magulang sa U.K.

By Aedrianne Acar
Published July 30, 2025 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga kawatang nakasakay sa motorsiklo, mala-'fast and furious' ang pag-atake sa bus sa India
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry Finals 
How mindful living shaped Maxene Magalona's personal healing journey

Article Inside Page


Showbiz News

Nurse Even family


'Krrk Krrk' family reunion! Nurse Even, nakita muli ang mga magulang bago ikasal sa fiancé na si Paul.

Balik pagvo-vlog na ang content creator at professional nurse na si John Steven Soriano o mas kilala bilang Nurse Even matapos ang walong buwan para ipakita ang pagdating ng kaniyang mga magulang sa United Kingdom.

Ayon sa sikat na medical content creator sa TikTok, huling vlog pa niya ay noong November 2024 at sa pagkakataon na ito balik vlogging siya dahil makakasama niya sa Newcastle ang mga magulang niya na sina Jonathan at Gloria na dadalo sa kaniyang wedding.

Sabi ni Nurse Even sa latest vlog niya, “Dahil ngayong araw po ay napaka-importanteng araw po para sa akin. Alam n'yo kung bakit?”

“Sobrang importante talaga nitong vlog na ito for me, dahil ngayong araw po ang dating ng parents ko dito sa UK. Dito sa Newcastle at susunduin po namin sila.”

Ipinakilala rin ng YouTuber ang kaniyang fiancé na si Paul at future father-in-law na nakasama niya papuntang airport para sunduin ang kaniyang mga magulang.


Bago ang reunion with his parents sinabi ni Nurse Even, “Super saya ko, mga Kunars. Ang saya ng puso ko.” Biglang biro, “Kasi, ang mahal nito e. [laughs]. Ako lahat ang gumastos, charot.”

Tingnan ang masayang pagkikita ni Nurse Even at kaniyang mga magulang sa vlog na ito.

Noong Abril, kinumpirma ni Nurse Even na engaged na siya kay Paul at limang taon na silang magkarelasyon.

SAMANTALA, KILALANIN ANG VIRAL CONTENT CREATOR NA SI NURSE EVEN SA IBABA