
Not all heroes wear capes at patunay riyan ang Philippine General Hospital (PGH) nurse na si Phoebe Malabanan.
Ang katapangan ng pediatric nurse at ng iba pang medical frontliners ang dahilan kung bakit nailigtas ang lahat ng 35 sanggol sa nasusunog na palapag ng ospital noong Mayo.
Dahil sa kanilang serbisyo at kabutihan, walang naiulat na nasugatan o nasawi mula sa trahedya--isang malaking dahilan kung bakit karapat-dapat silang maituring na real-life superheroes.
Abangan pagbibigay-pugay ng GMA News and Public Affairs sa PGH health workers sa year-end special na Year of the Superhero na mapapanood sa January 1, 2022, 7:15 p.m. sa GMA.