
Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang naging public breakup noon ng singers na sina Nyoy Volante at Nina.
Dagdag pa rito ang naging financial issue sa pagitan nila na naging dahilan para tanggihan ng Diamond Soul Siren ang posibilidad na makatrabaho ang King of Acoustic Pop.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 17, nagbigay ng kaunting update si Nyoy tungkol sa kasalukuyang relasyon nila ni Nina.
“Okay naman. I mean everyone's moved on, pareho kaming may asawa na, I don't think there's a reason anymore right now to reach out to each other,” sabi ni Nyoy.
Wala naman umano siyang problema sa kaniyang dating nobya, bagama't hindi niya masasabing ganoon din ang nararamdaman nito para sa kaniya.
“I'm just here, I do what I need to do, I'm very happy with the family and life that I have right now, so okay na 'yun, okay na 'yun. I'm good,” sabi ni Nyoy.
Matatandaan na nagsimula ang relasyon nina Nyoy at Nina noong 2005 nang magsama sila sa isang concert series. Taong 2007 naman nang maghiwalay sila dahil sa “unresolved financial conflict.”
Noong 2016, ikinasal si Nyoy sa Filipina theater actress na si Mikkie Bradshaw.
Samantala, nagsimulang makipag-date si Nina sa businessman na si Enrico “Coy” Enriquez noong 2008. Inanunsyo naman nila ang kanilang engagement noong 2009 bago sila nagpakasal sa isang secret wedding ceremony noong 2015.
Panoorin ang buong panayam kay Nyoy dito:
BALIKAN ANG ILAN SA MGA PINAKANAKAKAGULAT NA CELEBRITY BREAKUPS SA GALLERY NA ITO: