GMA Logo Nyoy Volante
Source: nyoyvolante (IG)
What's on TV

Nyoy Volante, parte na ng 'Born to Shine'

By Kristian Eric Javier
Published September 14, 2026 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

4 dead, 19 hurt in BARMM election-related incidents — Comelec
Bea Alonzo goes on a dreamy getaway in Italy
BOTO NA: Sino sa cute pairings na ito ang mukhang may FOREVER?

Article Inside Page


Showbiz News

Nyoy Volante


Bagong pag-asa nga ba ang dala ng karakter ni Nyoy Volante na si Elvis Quijano sa 'Born to Shine,' o bagong perwisyo

Mapapanood na ang acoustic pop singer-songwriter na si Nyoy Volante sa GMA Afternoon Prime series na Born to Shine!

Gagampanan ni Nyoy ang role ni Elvis Quijano, ang presidente ng isa sa mga malalaking music production company na Hilaga Records.

Unang napanood si Nyoy sa episode noong Sabado, nang tulungan siya nina Yuna (Mitzi Josh) at Nancy (Gaea Mischa) na mabawi ang na-snatch niyang cellphone. Habang nasa kotse kasi si Elvis at may kausap sa phone, isang babae ang humablot ng kaniyang cellphone.

SAMANTALA, BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG NAGANAP NA MEDIA CON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:

Buti na lang at nakita kaagad ni Nancy at naabutan niya ang patakas na kawatan. Babawian pa sana nito si Nancy nang takutin siya ni Yuna, kaya't kumaripas na ito ng takbo. Naibalik naman kaagad ng magpinsan ang cellphone ni Elvis at para pasalamatan sila, binigyan niya ng pabuya ang dalawa.

Bukod pa doon, pinuri rin ni Elvis sina Yuna at Nancy na may pagka-artista ang mga dating umano. Ngunit itinago ng dalawa ang pagiging parte nila noon ng YUMI. Dahil sa nakitang galing, ipinaabot ni Elvis sa kaniyang secretary ang calling card niya, kung saan nakasaad na presidente pala siya ng Hilaga Records.

Sa pagtatapos ng episode, ilan sa mga eksenang ipinakita na dapat abangan ay ang pagkuha ni Elvis kay Minchie (Manilyn Reynes) para magtanghal sa isang provincial performance.

Ito na ba ang inaabangang comeback nina Yuna, Nancy at Minchie? Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ang musical drama series sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.