GMA Logo Of All The Things
What's on TV

'Of All the Things' starring Regine Velasquez at Aga Muhlach, mapapanood sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published March 23, 2026 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Express: March 23, 2026
4 killed, 2 wounded in Iloilo stabbing incident
GMA Kapuso Foundation Welcomes Donation from Cut Unlimited, Inc.

Article Inside Page


Showbiz News

Of All The Things


Kabilang ang 'Of All the Things' na pinagbidahan nina Regine Velasquez at Aga Muhlach sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isang bigating romantic comedy ang tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Mapapanood kasi rito ang Of All the Things na pinagbidahan nina Regine Velasquez at Aga Muhlach.

Gumanap si Regine sa pelikula bilang si Berns, isang fixer ng mga papeles. Si Aga naman ay si Umboy, ang notaryo na laging pinupuntahan ni Berns.

Hindi sang-ayon si Umboy sa trabaho ni Berns pero pinagbibigyan niya ito.

May pag-asa bang umusbong ang pag-ibig sa dalawang taong magkasalungat ang ideyolohiya?

Abangan ang Of All the Things, March 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa horror films, nariyan ang The Diplomat Hotel na pinagbidahan ni Gretchen Barretto.

Iikot ang kuwento nito sa isang TV reporter na sinisikap na pasiglahin muli ang kanyang lumamlam na career sa pamamagitan ng paggawa ng documentary tungkol sa Diplomat Hotel sa Baguio.

Kasama ang kanyang crew, magpapalipas sila ng gabi sa hotel na kilala bilang isa sa mga tinaguriang "most haunted" na lugar sa Pilipinas.

Abangan ang The Diplomat Hotel, March 27, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.