GMA Logo maging sino ka man
Sources: gmanetwork/IG @gmanews/YT
What's on TV

Off-cam crew ng 'Maging Sino Ka Man, all-out ang effort sa serye

By Kristian Eric Javier
Published September 5, 2023 12:38 PM PHT
Updated September 5, 2023 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP sends off over 2,000 cops for 2026 ASEAN meet in Central Visayas
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

maging sino ka man


Tila action stars din behind-the-camera ang off-cam crew ng 'Maging Sino Ka Man' dahil sa kanilang trabaho.

Hats off ang stars ng upcoming Action drama series na Maging Sino Ka Man na sina Barbie Forteza at David Licauco hindi lang sa direktor nilang si Enzo Williams, kundi pati na rin sa buong off-cam crew ng kanilang serye.

Sa interview ng dalawa kay Aubrey Carampel sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, ipinahayag nina David at Barbie ang kanilang paghanga sa kanilang director at production team.

Ani ni David, “I think si Direk Enzo, he leads by example, pinapakita niya sa'min na gan'to ako ka-passionate.

Dagdag pa ng pambansang ginoo, “Hindi naman righteous kung hindi ko ibibigay 'yung 100 percent ko rin kasi binibigay niya e.”

Samantala, ayon naman sa Kapuso Primetime Princess, kahit siya ay nadadala sa ka-macho-han ng serye, at sinabing ang mga off-cam crew nila ang dahilan kung bakit naa-achieve nila ang ganoong vibe sa set.

KILALANIN ANG CAST NG 'MAGING SINO KA MAN' SERIES SA GALLERY NA ITO:

Ikinuwento rin ng direktor nilang si Enzo na bago niya ipagawa kay David ang ilang mga stunts ayy siya muna ang gumagawa ng mga ito.

“I need to find out muna ano 'yung sitwasyon so I can guide David kasi full trust 'yung binibigay ni David sa'kin e,” sabi nito.

Dagdag pa ni Enzo, “I need to make sure na safe din siya and paano siya puwedeng gumalaw.”

Kuwento naman ng director of photography ng serye na si Elmer Despa, tuwing sinasabi ni Enzo kung ano ang eksenang gusto niya ay pag-uusapan nila ito ng kaniyang kapwa cameramen kung paano nila gagawin.

“Siya [Enzo] talaga 'yung sinasakay namin sa motor, pati 'yung camera operator, sumasakay sa motor, tumatakbo,” kuwento nito.

Nang tanungin sina Direk Enzo at Elmer kung ano ang masasabi nila sa magandang reaksyon sa inilabas nilang trailer, ang sagot ni Enzo, “Pag nag-enjoy 'yung audience natin, 'yun talaga, that's what drives us.”

Ayon naman kay Elmer, “Dun po sa mga naka-appreciate, naalis po 'yung pagod namin. 'Yun po talaga yung sukli e. Thank you po.”

Mapapanood na ang Maging Sino Ka Man simula September 11 sa GMA.

Panoorin ang buong interview nila dito: