
Matapos i-release ang official music video ng Stories From The Heart Never Say Goodbye, umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens dahil sa ganda ng mga eksena at musika nito.
Ipinakita sa three-minute na video ang iba't ibang eksena na punong-puno ng emosyon. Sinamahan pa ito ng sentimental na kantang pinamagatang “Pero Paalam” na inawit ni Kapuso singer Muriel Lomadilla.
Ang music video na ito ay mayroong mahigit isang libong mga komento mula sa netizens na nakaramdam ng iba't ibang emosyon.
Ramdam na ramdam ng netizens ang sakit sa naturang video dahil sa tindi ng mga eksenang ipinakita.
PHOTO COURTESY: GMA Drama (Facebook)
Pinuri naman ng iilan sa kanila ang angking talento ng mga pangunahing karakter ng show na sina Klea Pineda, Jak Roberto, at Lauren Young sa pag-arte.
PHOTO COURTESY: GMA Drama (Facebook)
Bukod dito, ang ilan din sa kanila ay nagbahagi ng opinyon tungkol sa pag-ibig.
PHOTO COURTESY: GMA Drama (Facebook)
Sa kasalukuyan, nasa 2.6 million views na ang naturang music video sa Facebook na in-upload lamang noong September 29.
Pagbibidahan nina Kapuso stars Klea Pineda, Jak Roberto, at Lauren Young ang kaabang-abang na Stories Form the Heart: Never Say Goodbye.
Kabilang din sa mini-drama series na ito ay sina seasoned actress Snooky Serna, Max Eigenmann, Herlene “Sexy Hipon” Budol, Luke Conde, Kim Rodriguez, Shermaine Santiago, Mosang, Phytos Ramirez, and Art Acuna.
Abangan ang world premiere ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye sa October 18 sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, tingnan ang nakatutuwang mga mensahe ni Klea Pineda para sa kanyang co-workers sa gallery na ito: