
Available na for streaming ang official soundtrack ng GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Kabilang dito ang theme song ng serye na pinamagatang din na "Never Say Die", na inawit ni Kapuso actor Kim de Leon.
May bersiyon din nito ang bida ng serye na si Star of the New Gen Jillian Ward, featuring Kim de Leon.
Bukod dito, may instrumental versions din ang dalawang awit.
Pakinggan ang official soundtrack ng Never Say Die sa Spotify, Apple Music, YouTube Music at iba pang major streaming platforms.
Ang Never Say Die ay kuwento ng isang investigative journalist at ng isang vlogger na magtutulungan para pabagsakin ang malaking sindikato.
Patuloy na panoorin ang Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.