
Exciting para sa fans ng tambalang FiLay o nina Fidel (David Licauco) at Klay (Barbie Forteza) ang mga mangyayari mamaya sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Ngayong gabi, December 23, mapapanood ang first kiss ng dalawa.
Bukod diyan ngayong gabi rin mapapakinggan sa unang pagkakataon sa serye ang official theme song nina Klay at Fidel.
Pinamagatang "Kailangan Kita," mas naging espesyal pa ito dahil si David Licauco mismo ang umawit nito.
Abangan ito pati na ang first kiss sa pagitan nina Klay at Fidel ngayong gabi, December 23, sa Maria Clara at Ibarra.
Patuloy na tumutok sa top-rating at much-loved historical portal fantasy series na ito, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK NG FIRST KISS NINA KLAY AT FIDEL SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: