
Inilabas na ng GMA Public Affairs ang official trailer ng inaabangang romance-drama series sa GMA Afternoon Prime na You're My Favorite Song noong Biyernes, June 19 kung saan tumabo ito ng isang milyong views sa buong social media at nagkamit din ito ng magandang feedback at mga positibong komento hindi lang mula sa fans ng cast, maging sa mga manonood.
Ang You're My Favorite Song ay isang romance drama tungkol kay Angel (Caprice Cayetano), isang matalinong dalaga na gustong magtayo ng beach resort para sa kanyang lolo.
Ngunit nang may mang-agaw sa kanilang lupa, magtutulungan si Angel at ang kanyang mga kaklase't kaibigan para ipaglaban ito.
Sa kanilang laban, makikilala nila ang tunay na pagkakaibigan, makakatagpo ng unang pag-ibig, at papatunayang walang imposibleng pangarap.
Sa araw ng release, nagkaroon ang mga manonood ng sulyap sa kung ano nga ba ang dapat abangan sa darating an premiere nito sa Lunes sa GMA Afternoon Prime.
Nagpahayag din ng kani-kanilang mga positibong reaksyon at komento ang mga manonood at fans ng cast sa naturang trailer na nagpasabik pa sa kanila na panoorin at abangan ang serye.
“Pagulong gulong na ako sa kilig ditoooo. Ang tagal mag-Monday. Hahaha,” sulat ng isang netizen sa comments section.
“Juskoooo! Ang tagal mag LUNES alarm set na naman like PBB DAYS ,” komento ng isa.
“Huhuhu nakakaiyak sa kilig.. ang galing nila. Walang tapon. I'm so proud of you, Capcap,” ani ng isa.
“GRABE KA GMA!!! EXCITED NA KAMI MAG LUNES PARA SA ANGUEL!!” sulat ng isa pa.
“Ang galing mo, Caprice! Chemistry princess yarn kahit kanino i-pair may chemistry,” ani ng isang fan.
“Ohh my CapEath Heart!! Grabe ugang-uga na naman 'di pa nga nakaka-move on sa trailer kahapon! Nakakabaliw na ipalabas niyo na yan hahaha,” pabirong komento ng isa.
Source: GMA Public Affairs (FB)
Naging trending topics naman din sa social media platform na X ang nakakakilig na trailer ng serye maging ang role ng lead actor na si Heath Jornales na si Miguel.
Trending din sa 24th place ang tambalan ng mga karakter ng 'CapEath' na sina Heath Jornales at Caprice Cayetano, ang 'AnGuel,' o ang ship name ng karakter nina Angel at Miguel.
Source: X
Sa isang recent post mula sa GMA Public Affairs, ipinagdiwang ang nakamit na milestone ng trailer sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang celebratory poster dahil sa pag-ano nito ng isang milyong views sa lahat ng social media accounts.
“Umaapaw ang kilig dahil sa You're My Favorite Song,” nakasaad sa text ng naturang milestone poster.
“Taas-kamay ang mga abangers para sa pilot on Monday!” nakasulat naman sa caption ng post.
Huwag palampasin ang You're My Favorite Song kung saan tampok sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano.
Kasama rin sa powerhouse cast na sina Waynona Collings, Lee Victor, Kairo Lazarte, Andrei Fajardo, Boboy Garrovillo, James Blanco, Katya Santos, at Wilma Doesnt, sa ilalim ng premyadong direktor na si JP Habac.
Abangan ang You're My Favorite Song simula ngayong June 22, 4:00 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!
RELATED CONTENT: Cast ng You're My Favorite Song, kilalanin!