
Sa Biyernes (September 6), mapapanood ang kuwento ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth tungkol sa buwis-buhay OFW adventures.
Ang Overseas Filipino Workers mula Hong Kong ang magbabahagi ng kanilang amazing na experience sa pagbisita sa China's Buddha's Hand. Isa itong massive boulder na itinayo sa isang cliff.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Tampok din sa Amazing Earth ang Pinoy actor na isa ng Canadian police officer. Alamin ang kuwento ni Don Laurel bilang isang Toronto police officer at ang kanyang buhay kasama ang asawa na dating aktres na si Aurora Halili.
Mapapanood din sa Amazing Earth ang bagong nature series na “Migrating to Mexico” kung saan ibabahagi ang behaviors ng species para mag-survive sa migration.
One planet, wild adventures, at extraordinary stories ang inihanda sa Amazing Earth kaya tutok na sa September 6, 9:35 p.m. sa GMA.
Abangan din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HELMET DIVING ADVENTURE NINA DINGDONG DANTES AT ARTHUR SOLINAP SA AMAZING EARTH: