
Maraming netizens ang masayang makita sa iisang larawan ang OG Sang'gres na sina Iza Calzado at Jennylyn Mercado, na gumanap na mag-inang Amihan at Lira sa Encantadia (2005).
Nagkasama sina Iza at Jennylyn sa premiere night ng inspirational-drama film na Green Bones na ginanap sa SM North EDSA The Block noong Biyernes, December 20.
Mayroong special participation si Iza sa pelikula, habang nagbigay naman ng suporta si Jennylyn sa asawa niyang si Dennis Trillo, na bumibida sa Green Bones kasama si Ruru Madrid.
Sa kanyang Instagram story, ipinarating ni Jennylyn ang nararamdaman nang muling makita si Iza.
"Ayun na nga po at na-miss ko ang aking Inang Reyna. Jusko ang ganda po niya, walang kupas, [Miss Iza Calzado]," sulat ni Jennylyn.
Ni-repost naman ito ni Iza sa kanyang Instagram story at sinabing: "I love you, anak! So happy to see you! Thank you! Kilig! Napakaganda mo rin!"
Samantala, ang Green Bones ay official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF), na mapapanood sa mga sinehan simula December 25.
TINGNAN ANG IBA PANG MGA CELEBRITIES NA NAGPAKITA NG SUPORTA SA GREEN BONES DITO: